Kasalukuyang idinaraos sa lunsod Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang ika-17 China-ASEAN Expo (CAExpo).
Sa isang panayam nitong Sabado, Nobyembre 28, ipinahayag ni Djauhari Oratmangun, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na kasalukuyang kumakalat pa rin ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa daigdig, at grabeng apektado ang kabuhayang pandaigdig.
Lubos niyang pinapurihan ang pagdaraos ng Tsina ng nasabing ekspo sa kasalukuyang napakahirap na panahon.
Sinabi rin niya na nilagdaan kamakailan ng sampung bansang ASEAN, Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, at New Zealand ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na sumasaklaw ng halos 30% ng kabuuang bolyum ng kalakalang pandaigdig.
Ito aniya ay isang napakalaking kasunduan sa larangan ng malayang kalakalan.
Ang CAExpo ay makakapagpataas ng lebel ng kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng RCEP, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio