1.9 bilyong dolyares, idaragdag sa badyet ng Tokyo Olympic Games

2020-11-30 16:08:27  CMG
Share with:

 

 

Dargdagan ng 15%, o mga 200 bilyong Yen (1.9 bilyong dolyares) ang badyet ng Tokyo Olympic Games dahil sa isang taong pagpaliban nito, ayon sa ulat Nombyembre 29, 2020, ng media ng Hapon.

 

Sa ulat ng Yomiuri Shinbun, sinabi ng isang personahe ng Tokyo Olympic Committee, na sa gitnang dako ng Disyembre 2020, opisyal na itatakda ang karagdagang badyet, pagkaraan ng pagsasanggunian sa pagitan ng Tokyo Olympic Commitee, pamahalaan ng Hapon, at pamahalan ng Tokyo Metropolis.

 

Ayon sa salaysay, hindi isasali sa badyet ang gastos sa pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa panahon ng 2021 Tokyo Olympic Games.

 

Ang badyet ay magmumula sa sentral na pamahalaan ng Hapon.

1.9 bilyong dolyares, idaragdag sa badyet ng Tokyo Olympic Games

Salin:Sarah

Please select the login method