Ika-17 CAEXPO, mabunga

2020-12-01 15:23:42  CMG
Share with:

 

Ika-17 CAEXPO, mabunga

Ipininid Nobyembre 30, 2020, sa lunsod Nanning ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO).

 

Ang Ika-17 CAEXPO ay lubos na nagpakita ng bunga ng Tsina at ASEAN sa magkakasamang paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinalalim ang pagpapalitan at koopersyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, at natamo ang maraming bunga.

 

Sa pamamagitan ng online at offline platforms, idinaos ang mahigit 150 aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan sa Ika-17 CAEXPO. Idinaos din ang mga porum sa mataas na antas sa loob ng framework ng CAEXPO, na may kinalaman sa Malayang Zonang Pangkalakalan, kalusugan, information harbor, pananalapi at iba pang larangan.

 

86 na proyektong panloob at panlabas ng pamumuhunan at kooperasyon ang nilagdaan. Umabot sa 263.87 bilyong yuan RMB ang halaga ng kabuuang pamumuhunan ng mga proyekto na lumaki ng 43.6% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Ito rin ay pinakamataas na paglaki ng halaga ng pamumuhunan sapul nang pagdaraos ng CAEXPO noong 2004.

 

Idaraos ang Ika-18 CAEXPO sa susunod na taon simula Setyembre 10 hanggang Setyembre 13.

 

Salin:Sarah

Please select the login method