Plataporma ng pagbabahagi ng impormasyon ng kooperasyon sa yamang-tubig sa Lancang-Mekong River, naisaoperasyon

2020-12-01 10:54:50  CMG
Share with:

Pormal na naisaoperasyon nitong Lunes, Nobyembre 30, 2020 ang plataporma ng pagpapalitan ng impormasyon ng kooperasyon sa yamang-tubig sa Lancang-Mekong River. Layon ng platapormang ito na ibahagi ang bago at napapanahong impormasyon ng tubig at ibayo pang pataasin ang lebel ng iba’t-ibang bansa sa siyentipikong pamamahala sa yamang tubig at kanilang kakayahan sa pagpigil sa baha at pagbabawas ng kalamidad.

Dahil sa Lancang-Mekong River, mahigpit na magkaka-ugnay ang anim na bansang kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam. Noong Marso ng 2016, sa “Sanya Declaration” na pinagtibay sa unang pulong ng mga lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), nailagay ang kooperasyon sa yamang tubig sa isa sa limang preperensiyal na larangan ng LMC.

Nitong 4 na taong nakalipas, sa magkakasamang pagsisikap ng 6 na bansa, tumataas ang kalidad ng kanilang kooperasyon sa yamang-tubig sa Lancang-Mekong River, at natamo nito ang kapansin-pansing bunga.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method