Ipininid Nobyembre 30, 2020, ang Ika-17 China ASEAN Expo (CAEXPO) at Summit ng Tsina at ASEAN sa Komersyo at Pamumuhunan.
Nilagdaan ng mga kalahok ang 86 na pangkooperasyong proyektong panloob at panlabas na may 263.87 bilyong yuan RMB na halaga ng pamumuhunan, na lumaki ng 43.6% kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon. Ito rin ang pinakamataas na paglaki ng halaga ng pamumuhunan sapul nang pagdaraos ng CAEXPO noong 2004.
Hinggil dito, ipinahayag Nobyembre 30, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, lubos na ipinakita nito ang malakas na “magnetic field effect” ng plataporma ng CAEXPO, natamo ang benepisyo ng mas maraming kompanya sa loob at labas ng Tsina sa pamamagitan ng platapormang ito.
Nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa iba’t ibang bansa ng ASEAN sa iba’t ibang larangan, itatag ang mas mahigpit na pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig, upang magbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig, saad ni Hua.
Salin:Sarah