Sa pamamagitan ng video link, idinaos Nobyembre 30, 2020, ang Ikalawang Espesyal na Pulong ng Tsina at Mga Bansang Isla ng Pasipiko sa antas ng Pangalawang Ministro sa Paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Magkasamang pinanguluhan nina Zheng Zeguang, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Jeremiah Manele, Permanent Secretary of Foreign Affairs and External Trade in Solomon Islands, ang naturang pulong.
Isinalaysay ni Zheng ang kalagayan ng Tsina sa paglaban at pagkontrol sa COVID-19 at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Binigyan-diin niyang patuloy na nananangan ang Tsina sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, ibabahagi ang mga karanasan ng paglaban sa COVID-19 sa mga bansang isla, palalakasin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, susuportahan ang mga bansang isla sa paglaban sa COVID-19 at pagbangon ng kabuhayan, para pasulungin ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Salin:Sarah