Si Mark Lowcock, Emergency Relief Chief ng UN
235 milyong tao sa buong mundo ang mangangailangan ng makataong tulong at proteksyon sa 2021. Ang bilang na ito ay lumaki ng halos 40% kumpara sa taong 2020, ayon sa ulat ng United Nations (UN) nitong Disyembre 1, 2020.
Ipinahayag ni Mark Lowcock, Emergency Relief Chief ng UN na ito’y dahil sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). 35 bilyong dolyares ang kakailanganin ng UN sa susunod na taon para rito.
Salin:Sarah