Umabot sa 64.52 bilyong yuan RMB ang laki ng industriya ng cyber security ng Beijing noong taong 2019 na nasa 41% ng buong laki ng industriyang ito sa bansa, napag-alaman ito ng mamamahayag mula sa Porum ng Tsina sa Industriya ng Cybersecurity na idinaos kamakailan.
Ayon pa sa estadistika, ang mga kompanya ng cyber security ng Beijing ay sumasaklaw sa 50% ng mga naturang kumpanya sa buong Tsina.
Ipinahayag ni Yang Xiuling, Puno ng Beijing Municipal Bureau of Economy and Information Technology, na sa susunod na yugto, pabibilisin ng Beijing ang konstruksyon ng Pambansang Parke ng Industriya ng Cybersecurity, para umakit ng mas maraming malalaking kompanya, na magkakasamang itatatag ang ekolohiya ng cybersecurity at pasusulungin ang pag-unlad ng industriyng ito.
Salin:Sarah