Maraming bansa ang nagpahayag ng pagbati sa Tsina kaugnay ng matagumpay na paglapag ng Chang'e-5 lunar probe sa ibabaw ng buwan.
Hinggil dito, ipinahayag Disyembre 2, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, patuloy na mananangan ang Tsina sa paggagalugad sa kalawakan, batay sa diwa ng pag-ani ng pakinabang ng buong sangkatuhan; at pasusulungin ang kooperasyong pandaigdig sa ilalim ng bukas na pakikitungo, para lalo pang umunlad ang eksplorasyong pangkalawakan.
Sinabi niyang ang paglapag ng Chang’e-5 lunar probe sa ibabaw ng buwan ay hindi lamang makasaysayang hakbang ng Tsina sa eksplorasyong pangkalawakan, ito rin ay makasaysayang hakbang tungo sa mas mahigpit na kooperasyong pandaigdig at mapayapang paggamit ng kalawakan.
Binigyan-diin ni Hua na palagiang nagsisikap ang Tsina para sa mapayapang paggamit ng kalawakan, aktibong isinasagawa ang kinauukulang komunikasyong pandaigdig, at ibinabahagi ang bunga ng eksplorasyong pangkalawakan.
Salin:Sarah