Tsina, handang patuloy na makipagkooperasyon sa daigdig sa paglaban sa COVID-19

2020-12-03 16:17:04  CMG
Share with:

 

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagkooperasyon sa iba’t ibang bansang, kinabibilangan ng Amerika, sa paglaban ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19); at ipagkakaloob ang tulong hangga’t maaari sa iba't ibang bansa.

 

Ito ang ipinahayag Disyembre 2, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Tsina, handang patuloy na makipagkooperasyon sa daigdig sa paglaban sa COVID-19

Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Anthony S. Fauci, Direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) ng Amerika, na bumabagsak ang sistemang medikal sa ilang lugar ng Amerika.

 

Aniya, posibleng lalampas sa 300 libo ang ang kabuuang bilang ng kasuwalti sa bansa hanggang katapusan ng 2020.

 

Samantala, ipinahayag ng ilang media na kakaharapin ng buong mundo, ang pinakamapanganib at pinakamadilim na tagalamig sa lalong madaling panahon dahil sa COVID-19.

 

Sinabi ni Hua, na upang matulungan ang Amerika, 3.43 bilyong mask, 800 milyong surgical glove, 650 milyong protective suit, at 4.67 milyong protective google ang nailuwas na ng Tsina sa Amerika hanggang noong Nobyembre 22, 2020.

 

Ipinahayag din ni Hua na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkoordinasyon sa iba’t ibang bansa ng daigdig sa larangan ng  makro-ekonomiya, para pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Kasabay nito, aktibo aniyang susuportahan ng Tsina ang Wolrd Health Orgnization (WHO) sa pagganap nito ng mahalagang namumunong papel, at tutulong sa pagsasa-ayos ng pampubulikong kalusugan ng daigdig, para mas mabuting maharap ang katulad na krisis na posibleng lumitaw sa hinaharap.

 

Salin:Sarah

Please select the login method