Ulat sa inobasyon, ipinalabas ng Boao Forum for Asia

2020-12-03 16:20:10  CMG
Share with:

Ayon sa  Boao Forum for Asia Innovation Report 2020 na ipinalabas Disyembre 2, 2020, sa Beijing, malawakan ngayong ginagamit sa iba’t ibang industriya ng Asya, na kinabibilangan ng Tsina, Timog Korea, Hapon, India at Singapore ang artificial intelligence (AI), at ang mga bansang ito bagong highland ng AI sa mundo.

 

Ulat sa inobasyon, ipinalabas ng Boao Forum for Asia

kauna-unahang pagkakataon, binanggit sa ulat ang 9 na teknolohiyang may pinakamalaking potensyal at prospek sa Asya, at kabilang dito ang AI, 5G, industriyal na robot, intelligent supply chain, teknolohiya ng pagbabayad sa mobile device, bagong teknolohiya sa tingiang pagbebenta, teknolohiyang biomedikal, teknolohiya ng digital na enerhiya, at teknolohiya ng pagsasaayos ng kapaligiran.

 

Kasama sa mga kumatha ng ulat sina Tagapangulong Ban Kin-Moon at Pangalawang Tagapangulong Zhou Xiaochuan ng Boao Forum for Asia.

 

Hinggil dito, buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na ang inobasyon ay puwersang tagapagpasulong ng pag-ahon ng Asya sa hinaharap.

 

Dapat anilang samantalahin ng Asya ang pagkakataong ito para makalikha ng bagong “himala ng Asya” sa panahon ng panibagong pag-ahon ng buong daigdig.

 

Ang Boao Forum for Asia Innovation Report 2020 ay ang kauna-unahang ulat na nakapokus sa inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya na ipinalabas ng Boao Forum.

 

Salin:Sarah

Please select the login method