Holding Foreign Companies Accountable Act ng Amerika, tatapatan ng Tsina; Isasagawa ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sariling kapakanan

2020-12-04 16:02:30  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Nobyembre 3, sa preskon sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Holding Foreign Companies Accountable Act na pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika, ay kongkretong aksyon ng political na supresyon ng Amerika sa mga kompanyang Tsino. At pagpapakita ng paghadlang sa pag-unlad ng Tsina. Tiyak na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng sariling bansa.

Holding Foreign Companies Accountable Act ng Amerika, tatapatan ng Tsina; Isasagawa ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sariling kapakanan

Ayon sa naturang panukalang batas na naaprobahan Disyembre 2 ng Mababang Kapulungan ng Amerika, dapat tumalima sa pamantayan ng pag-aaudit ng Amerika ang lahat ng kompanyang dayuhan sa stock market ng Amerika, kung hindi, posibleng kaharapin nila ang delisting. Komong ipinalalagay na ito ay tugon ng Amerika sa mga kompanyang Tsino sa stock market ng Amerika.

 

Tinukoy ni Hua na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pagsasapulitika sa pagsusuperbisa ng securities. Kung magiging batas ang naturang act, malubhang pabababain nito ang kompiyansa ng investors ng buong daigdig sa pamilihan ng kapital ng Amerika, at makakapinsala ng sariling kapakanan ng Amerika.

 

Umaasa ang Tsina na ipagkakaloob ng Amerika ang pantay at walang diskriminasyon na kapaligiran para sa mga kompanyang dayuhan.

 

Salin:Sarah 

Please select the login method