Espesyal na sesyon ng UN sa COVID-19, napakahalaga - Tsina

2020-12-04 16:03:18  CMG
Share with:

Bilang espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dadalo at magtatalumpati si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa espesyal na sesyon ng General Assembly ng United Nations (UN) sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na idinaraos Nobyembre 3 hanggang Nobyembre 4, 2020.

Espesyal na sesyon ng UN sa COVID-19, napakahalaga - Tsina

Napakahalaga ang katuturan ng naturang pangyayari, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Sinabi ni Hua na sa kasalukuyan, grabe ang bagong round na pandemiya ng COVID-19, naging mas mahirap ang paglaban sa COVID-19, paggarantiya ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pakakatatag ng kabuhayan. Inaasahan ng komunidad ng daigdig na gaganapin ng UN ang mas malaking papel para mas mabisang harapin ang hamon ng pandemiya.

 

Magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para pasulungin ang sesyon na ipadala ang malakas at positibong signal sa pangangalagaan ng multilateralismo at pagkakaisa sa harap ng COVID-19.

 

Salin:Sarah

Please select the login method