Patuloy na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino.
Ipinahayag ito Nobyembre 3, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang tugon sa pagbabawal ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) sa pag-aangkat ng cotton at cotton products mula sa Xinjiang dahil sa umano’y “forced labor.”
Sinabi ni Hua na ginigipit ng Amerika ang mga kompanya ng Xinjiang sa pamamagitan ng sangsyon, at nilalabag ang kaunlaran at kasaganaan ng Xinjiang.
Binigyan-diin din ni Hua na ang pagtulong sa mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad na isakatuparan ang matatag na pagtatrabaho, at ang “forced labor,” ay dalawang lubos na magkaibang konsepto.
Lumabag aniya ang aksyon ng Amerika ng regulasyon ng kalakalang pandaigdig at prinsipyo ng market-economy, sinisira nito ang industrial chain at supply chain ng buong daigdig, at nakapinsala sa kapakanan ng mga kompanya at mamimili ng iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Amerika.
Dagdag ni Hua, hinimok ng Tsina ang ilang pulitiko ng Amerika na dapat igalang ang pundamental na katotohanan, at itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina gamit ang isyu ng Xinjiang.
Salin:Sarah