Ika-3 Hainan Island International Film Festival, binuksan

2020-12-06 12:19:14  CMG
Share with:

Ika-3 Hainan Island International Film Festival, binuksan

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaang probinsyal ng Hainan ng Tsina, binuksan kahapon, Sabado, ika-5 ng Disyembre 2020, sa Sanya, lunsod sa lalawigang ito, ang Ika-3 Hainan Island International Film Festival (HIIFF).

 

Unang pelikulang itatanghal sa film festival ang 4K documentary na ginawa ng CMG tungkol sa paglaban ng mga mamamayang Tsino sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kalahok dito ang 4,376 na pelikula mula sa 114 na bansa at rehiyon.

 

Kabilang dito, 189 na pelikula ang itatanghal sa mga sinehan sa apat na lunsod ng Hainan.

 

Sa panahon ng film festival, idaraos din ang mga porum, eksibisyon, at business matching tungkol sa industriya ng pelikula.

 

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Shen Xiaoming, party secretary ng lalawigang Hainan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method