Sero, paghaydyak ng bapor-komersyal sapul nang simulan ang magkakasanib na pamamatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River

2020-12-07 16:25:24  CMG
Share with:

Sisimulan Huwebes, Disyembre 10, 2020 ang ika-100 magkakasanib na pamamatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River.
 

Kaugnay nito, isiniwalat sa preskon nitong Linggo sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, na sapul nang simulan ang unang magkakasanib na pamamatrolya noong 2011, kasiya-siyang natapos ang 99 na magkakasanib na pamamatrolya sa nasabing ilog, at mahigit 56,100 kilometro ang kabuuang haba ng paglalayag.
 

Samantala, ini-ulat din sa preskon na walang naganap na paghaydyak ng mga bapor na komersyal sa ilog na ito, sapul nang simulan ang magkakasanib na pamamatrolya.
 

Isinalaysay rin sa naturang kaganapan na patuloy na humihigpit ang kooperasyon ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa pagpapatupad ng batas, at walang humpay na lumalawak at lumalalim ang mga larangan ng kooperasyon.
 

Dahil sa magkakasanib na pamamatrolya, mabisang napangalagaan ang seguridad at katatagan sa kahabaan ng Mekong River, at ang magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng naturang 4 na bansa ay nagsilbing modelo ng kooperasyong panrehiyon sa pagpapatupad ng batas.
 

Salin: Vera

Please select the login method