Unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Tsina, tanggap na ng Indonesya

2020-12-07 16:51:55  CMG
Share with:

Isiniwalat kahapon, Linggo, ika-6 ng Disyembre 2020, ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, na natanggap ng kanyang bansa ang unang pangkat ng 1.2 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Tsina.

 

Ayon kay Widodo, ang naturang mga bakuna ay ipinagkaloob ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.

 

Tinatayang matatanggap ng Indonesya ang karagdagang 1.8 milyong dosis sa unang dako ng darating na Enero, dagdag niya.

 

Noong Oktubre ng taong ito, inaprobahan ng Indonesya ang pangkagipitang paggamit ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Tsina.

 

Ani Widodo, batay sa kontratang nilagdaan nauna rito, sa buwang ito at susunod na buwan, ipagkakaloob ng Sinovac sa Bio Farma, parmasyutikong kompanya na ari ng Indonesya, ang mga hilaw na materyal na sapat para sa paggawa ng 45 milyong dosis ng bakuna.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method