Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati kay Christian Kaboré; magsisikap upang patuloy na maging mabunga ang relasyong Sino-Burkina Faso

2020-12-08 10:29:35  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Lunes, Disyembre 7, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Christian Kaboré bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang pangulo ng Burkina Faso.
 
Sa mensahe, tinukoy ni Pangulong Xi na nitong ilang taong nakalipas, lumalakas nang lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Burkina Faso, mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at ipinakikita ang napakalaking potensyal at mainam na prospek.
 
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda siyang magsikap kasama ni Christian Kaboré para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, dagdag pa niya.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method