CMG Komentaryo: Sangsyon ng Amerika sa mga opisyal ng NPC, di-katanggap-tanggap

2020-12-09 11:14:28  CMG
Share with:

Ipinatawag Disyembre 8, 2020, ni Zheng Zeguang, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, si Robert W. Forden, Deputy Chief of Mission ng Embahadang Amerikano sa Tsina, upang ipahayag ang solemnang protesta kaugnay ng sangsyong ipinatalastas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa 14 na pangalawang tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

 

Tinukoy ni Zheng na ang aksyong ito ng Amerika ay malubhang lumalabag sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, nakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano. Mahigpit aniya itong kinokondena ng Tsina.

 

Ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina, at ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina: walang kapangyarihan ang Amerika na maki-alam sa mga ito, diin ni Zheng.

 

Aniya pa, matatag ang paninindigan ng pamahalaang Tsino na tutulan ang pakiki-alam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng Hong Kong; isulong ang pagsasakatuparan ng patakarang “Isang Bansa Dalawang Sistema;” at pangalagaan ang soberanya, pag-unlad, at kapakanan ng bansa.

Please select the login method