Tsina sa Amerika: itigil ang pakiki-alam sa aming mga suliraning panloob

2020-12-09 15:44:59  CMG
Share with:

 

 

Hinimok Disyembre 8, 2020, ni Hua Chunying, Tagapasalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng bansa sa pamamagitan ng paggamit sa isyu ng Tibet,  ihinto ang pagpinsala sa kaunlaran ng Tibet,  at huwag magkaloob ng anumang suporta sa mga puwersang naghahangad ng “pagsasarili ng Tibet.”

Tsina sa Amerika: itigil ang pakiki-alam sa aming mga suliraning panloob

Ani Hua, isasagawa ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang sariling kapakanan.

 

Ayon sa ulat, nanawagan Disyembre 4, 2020, si Robert Destro, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika at umano’y “Espesyal na Koordinador ng Amerika sa mga Suliranin ng Tibet,” sa mga kapanalig ng Amerika na isabatas din ang Reciprocal Access to Tibet Act, tulad ng ginawa ng Amerika.

 

Hinggil dito, binigyan-din ni Hua, na ang pagtatalaga ng Amerika ng umano’y “Espesyal na Koordinador sa mga Suliranin ng Tibet” ay isa lamang manipulasyong pulitikal.

 

Layon aniya nitong paki-alamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina at pinsalain ang katatagan ng Tibet.

 

Salin:Sarah

Please select the login method