Tsina at Nepal, magkasamang ipinatalastas ang bagong sukat ng taas ng Bundok Qomolangma

2020-12-09 15:48:18  CMG
Share with:

Sa liham na ipinadala sa isa’t isa noong Disyembre 8, 2020, magkasamang ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bidhya Devi Bhandari ng Nepal ang pinakahuling sukat ng taas ng Mount Qomolangma.

 

Kasama ni Pangulong Bhandari, at sa ngalan ng Tsina at Nepal, ipinapatalastas ni Pangulong Xi na 8,848.86 metro ang pinakahuling sukat ng taas ng Bundok Qomolangma.

Tsina at Nepal, magkasamang ipinatalastas ang bagong sukat ng taas ng Bundok Qomolangma

Sinabi rin ni Xi na ang Bundok Qomolangma ay mahalagang palatandaan ng hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina at Nepal.

 

Dagdag pa niya, itinakda rin ng dalawang bansa ang taluktok na ito bilang “Bundok ng Pagkakaibigan ng Tsina at Nepal.”

 

Ang magkasamang pagpapatalastas ng Tsina at Nepal sa pinakahuling sukat ng taas ng Bundok Qomolangma ay mayroong mahalagang katuturan, at ito ay lubos na nagpapakita ng sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, saad ni Xi.

 

Samantala, ipinahayag naman ni Bhandari, sa kanyang liham, na ang Tsina at Nepal ay magkaibigang magkapitbansa at magkapartner.

 

Aniya pa, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, konektibidad, kultura at iba pang larangan ay angkop sa kapakanan ng dalawang panig.

 

Ang magkasamang pagpapatalastas sa pinakahuling sukat ng taas ng Bundok Qomolangma ay mayroong katuturang pangkasaysayan, saad ni Bhandari.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method