Dapat tanggalin ng Tsina at Amerika ang mga hadlang para isakatuparan ang matatag na transisyon ng relasyong Sino-Amerikano, hanapin ang muling pagsisimula ng diyalogo, muling bumalik sa tamang landas, at muling itatag ang pagtitiwalaan sa susunod na yugto.
Ito ang ipinahayag Disyembre 9, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na irreversible ang patakarang Amerikano sa Tsina.
Sa kasalukuyan, ipinapakita ng relasyong Sino-Amerikano ang pinakamahigpit na kalagayan sapul nang maitatag ito, dahil sa pagsunod sa ideya ng Cold War at diskriminasyong pang-ideolohiya ng ilang personaheng Amerikano, ani Zhao.
Tinukoy niya na ang direksyon ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap ay depende sa tumpak na desisyon ng Amerika at magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig.
Salin:Sarah