Ngayong araw, Disyembre 10, ay Araw ng Karapatang Pantao ng daigdig, at ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Recover Better.”
Ang temang ito ay may-kaugnayan sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Binibigyang-diin ng tema na dapat ilagay ang karapatang pantao sa sentro ng mga relief work, at muling itatag ang maunlad na sariling bayan.
Sa preskong idinaos sa Geneva, Swizerland kamakailan, tinukoy ni Michelle Bachelet, Mataas na Komisyoner ng United Nations sa Karapatang Pantao, na mali ang pagsasapulitika ng pandemiya, at dapat kondenahin ang mga politikong gumagawa nito.
Nitong ilang linggong nakalipas, natamo aniya ang malaking progreso sa pananaliksik ng bakuna laban sa COVID-19, at dapat pantay-pantay na ibahagi sa iba’t ibang bansa ang mga bakuna, at ibangon ang kabuhayan, bawasan ang kapinsalaan, at lutasin ang iba pang mga problemang dulot ng pandemiya.
Salin:Sarah