Mga taong nakapunta na sa Xinjiang, hindi naniniwala sa mga kasinungalingang pinakakalat ng Amerika

2020-12-10 16:24:39  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Disyembre 9, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga kasinungalingang kinatha at kinalat ng Amerika ay hindi pinaniniwalaan ng sinumang nakapunta na sa Xinjiang at nakababatid ng totoong kalagayan ng Xinjiang.

Mga taong nakapunta na sa Xinjiang, hindi naniniwala sa mga kasinungalingang pinakakalat ng Amerika

Ginawa at ipinalabas Disyembre 8, 2020 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang video na nagpapakitang sinusupil ang wika, kultura at relihiyon ng minoryang nasyonalidad sa Xinjiang.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na ang naturang video ay malayo sa katotohanan, at kinakalat nito ang kasinungalingan.

 

Ani Zhao, iginagarantiya ng Tsina ang karapatan ng iba’t ibang nasyonalidad sa Xinjiang sa aspekto ng paggamit at pagpapa-unlad ng sariling wika, at karapatan sa pananampalataya.

 

Ang katatagan at kaunlaran ng Xinjiang ay pinakamabuting tugon sa mga kasinungalingan ng Amerika, saad ni Zhao.

 

Sinabi din niyang nararapat makita ng ilang pulitikong Amerikano ang RMB ng Tsina, dahil sa ibabaw ng RMB, nakalagay ang salita sa 5 wika na kinabibilangan ng wikang Tsino, Tibetan, Uyghur, Mongolian at Zhuang.

 

Hinggil dito, ang tanong ni Zhao, “bukod sa Ingles, mayroon pa bang ibang wikang nakalagay sa dolyar ng Amerika?”

 

Salin:Sarah

Please select the login method