2020 Nobel Prize Award Ceremony, idinaos online

2020-12-11 17:40:02  CMG
Share with:

 

 

Idinaos Disyembre 10, 2020, ang 2020 Nobel Prize Award Ceremony sa pamamagitan ng online  video dahil sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Sa kauna-unahang pagkakataon, ang lugar na pinagdausan ay ang  city hall ng Stockholm, Swizerland.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Propesor Carl-Henrik Heldin, Tagapangulo ng Board of the Nobel Foundation, na ang Nobel Prize ay lubos na nagpapakita na ang sangkatauhan ay mayroong kakayahan ng walang humpay na paghahanap ng kalutasan sa harap ng mga kahirapan. Sa panahong malubhang naaapektuhan ng COVID-19 ang daigdig, mas mahalaga ang pagsisikap sa siyensiya at teknolohiya, kultura at pagkamakatao.

 

PInasisigla ng naturang mga pagsisikap ang buong sangkatauhan, at nagbibigay ng pag-asa sa hinaharap, saad niya.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method