Sa preskong idinaos Disyembre 10, 2020, sa Beijing, pinabulaanan ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Ipinahayag kamakailan ni Pompeo na ang teknolohiya ng 5G ng Tsina, ay tinanggihan ng mahigit 60 bansa at mga 130 kompanya ng telekomunikasyon sa buong dagidig, na kinabibilangan ng 27 miyembro ng Unyong Europeo.
Sinabi ni Hua na pinipilit ng Amerika ang iba’t ibang bansa na lumahok sa umano’y “clean network.” Sumasali lamang dito ang mga bansa dahil sa presyur mula sa Amerika.
Ipinahayag ni Hua na ipinakikita ng katotohanan laging may maayos na rekord sa cyber security ang mga kompanyang Tsino.
Ayon sa ulat nitong Oktubre, 2020, ng Agence France-Presse, hiniling ng Amerika at ibang bansa ng Five Eyes Alliance na itayo ang “backdoor” sa mga encrypted applications na tulad ng Singal, Telegram at iba pa para ipagkaloob ang kapangyarihan sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas. Hinggil dito, walang anumang paliwanag mula sa Amerika hanggang sa ngayon, saad ni Hua.
Salin:Sarah