Hong Kong: Diplomatang Amerikano, dapat may valid visa kung pupunta sa Hong Kong

2020-12-11 11:03:06  CMG
Share with:

 

 

Ipinatalastas Disyembre 10, 2020, ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na kanselado na  mula nang araw rin iyon ang visa free privilege ng mga  diplomatang Amerikano na nais bumisita sa Hong Kong.

 

Ipinahayag ng Tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR na ito ay kaugnay ng countermeasures na isinagawa ng sentral na pamahalaang Tsino sa Amerika.

 

Matapos magkabisa ang hakbang ito, bukod sa direktang transit o pananatili sa loob ng airport restricted area, dapat kumuha ang mga diplomatang Amerikano ng visa mula sa Embahadang Tsino bago sila pumunta sa Hong Kong.

 

Salin:Sarah

Please select the login method