Layon ng Tsina na lipulin ang matinding kahirapan o extreme poverty sa bansa bago magtapos ang taong 2020.
Noong 2012, inilunsad ng Tsina ang pambansang programa sa pagbabawas ng kahirapan.
Sa loob ng pitong taon, sa pagitan ng huling bahagi ng 2012 hanggang sa huling bahagi ng 2019, 93.48 milyong mamamayang Tsino ang nai-ahon mula sa kahirapan.
Ito ay batay sa pamantayang mas mataas kaysa sa pandaigdigang antas ng kahirapan na US$1.90 na itinakda ng World Bank.
Ang bilang na ito ay katumbas ng pinagsamang populasyon ng United Kingdom at Australia.
Dahil dito, mahigit 70% ang naging kontribusyon ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan sa buong mundo, at napaaga ng 10 taon ang pagkakamit ng mga layunin sa pagbabawas ng kahirapan sa ilalim ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development.
Kasabay nito, tulad ng sabi ni Jorge Chediek, Direktor ng United Nations Office of South-South Cooperation (UNOSSC), bukas na ibinabahagi ng Tsina ang karanasan nito at tinutulungan ang iba pang mga bansa upang mabawasan ang kahirapan.
Halimbawa, sa pagtatapos ng taong 2019, tumulong ang Tsina sa pagpapatayo ng 24 na sentro ng demonstrasyon ng teknolohiyang pang-agrikultura sa Africa, kung saan nakinabang ang mahigit sa 500 libong mga tao roon.
Ulat: Jade
Pulido: Rhio