2019-nCoV, nadiskubre sa isang bata sa Italya noong Nobyembre 2019

2020-12-14 16:54:26  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa media ng Italya, isang 4 na taong gulang na batang lalaki ang natuklasang nahawahan ng 2019-nCoV, virus na nagdudulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) noong Nobyembre 2019.

 

Ayon pa sa ulat, dahil sa mga sintomas ng kahirapan sa paghinga at singaw sa balat, itinakbo sa ospital noong Nobyembre 30, 2019, ang nasabingy batang lalaki na taga-Milan. Kinuha ng tauhang medikal ang sampol mula sa kanyang lalamunan para sa pagtetest ng tigdas, pero negatibo ang resulta.

 

Kamakailan, muling sinuri ng mga mananaliksik ang nabanggit na sampol, bilang di-nalulutas na kaso, at natuklasan ang 2019-nCoV.

 

Salin:Sarah

Please select the login method