Inilabas kahapon, Linggo, ika-13 ng Disyembre, 2020, ng China Academy of Transportation Sciences ang China Transportation Services Index (CTSI) noong Nobyembre.
Ayon dito, ang cargo transportation sub-index ay lumaki ng 7.4% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at patuloy na lumalaki ang bilang na ito nitong nakalipas na 7 buwang singkad.
Ipinakikita nito ang matatag na panunumbalik ng takbo ng kabuhayang Tsino.
Samantala, ang passenger transportation sub-index naman ay mas mababa nang 24.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Ibig sabihin, apektado ang pagbibiyahe ng publiko sa nagaganap na epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ilang lugar ng Tsina.
Salin: Liu Kai