Sa panayam kamakailan sa China Media Group, sinabi ni Koh Chin Yee, Puno ng South Seas Society ng Singapore, na sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Climate Ambition Summit, inulit niya ang paninindigan ng Tsina sa aktibong pagharap sa pagbabago ng klima.
Ipinakikita rin ng talumpati ang kakayahan at determinasyon ng Tsina sa paggigiit sa berde at sustenableng pag-unlad, ani Yee.
Dagdag niya, ang mga hakbangin at target na ipinatalastas ni Pangulong Xi tungkol sa pagbabawas ng emisyon ng carbon dioxide, pagpapaunlad ng mga bagong enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa, ay hindi lamang mga pangako ng Tsina, kundi panawagan din sa iba't ibang bansa ng daigdig, para sa magkakasamang pagharap sa isyu ng klima.
Salin: Liu Kai