Amerika, kapos sa higaan ng ICU: mga nahawahan ng COVID-19, di-maaaring gamutin sa ospital—Artikulo ng New York Times

2020-12-14 16:44:18  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng New York Times ng Amerika nitong Sabado, Disyembre 12, 2020, ipinakikita ng datos ng pamahalaang pederal na mahigit 1/3 ng mga Amerikano ang namumuhay sa mga rehiyong may malaking kakulangan sa mga higaan ng Intensive Care Unit (ICU).
 

Posible anitong muling lumaki pa ang death rate ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, dahil sa kakulangan sa mga higaang ito.
 

Dagdag ng New York Times, ayon naman sa mga ulat ng ospital at datos mula sa kagawaran ng kalusugan at serbisyong pampubliko, hanggang noong nagdaang linggo, nasa 15% ang proporsyon ng mga bakanteng higaan ng ICU sa iba’t ibang ospital ng Amerika.
 

Salin: Vera

Please select the login method