Tsina buong tatag na tinututulan ang panggigipit ng Amerika sa ilang kompanyang Tsino

2020-12-15 16:52:29  CMG
Share with:

 

 

Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang di-makatuwirang patakaran ng Amerika sa mga kompanyang Tsino. Patuloy na matatag na pangangalagaan ng Tsina ang lehitimong karapatan ng mga kompanya ng Tsina.

 

Ipinahayag ito Disyembre 14, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na prescon sa Beijing, bilang tugon sa pag-aalis ng NASDAQ ng 4 na kompanya ng Tsina.

Tsina buong tatag na tinututulan ang panggigipit ng Amerika sa ilang kompanyang Tsino

Sa isang pahayag na isinapubliko kamakailan, sinabi ng NASDAQ na aalisin nito ang 4 na kompanyang Tsino ayon sa restriksyon na inilabas nitong Nobyembre ng pamahalaang Amerikano sa kalakalan ng mga stock ng ilang kompanyang Tsino.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na nagiging mas bukas ngayon ang pamilihan ng kapital ng Tsina, at nagiging mas maginhawa ang kalakalan ng mga investors ng daigdig sa mga stocks ng mga kompanyang Tsino. Hindi mahahadlangan ng patakaran ng Amerika ang pamumuhunan ng mga investors sa kompanyang Tsino para ibahagi ang benepisyo ng pag-unlad ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Please select the login method