Sa kanyang artikulo na inilathala kamakailan sa South China Morning Post, ipinahayag ni Charles R. Stith, diplomata ng Amerika, na walang anumang katuturan ang pagbatikos ni Donald Trump sa Tsina hinggil sa pandemiya ng COVID-19. Ang katotohanan ay: Hindi ito kasalanan ng Tsina.
Ayon pa rin kay Stith, ang Tsina ay mahalagang bahagi ng kalutasan, sa halip ng problema. Dapat makipagkooperasyon sa Tsina, sa halip ng humiwalay dito. May kakayahan ang daigdig na harapin ang hamon sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap. Maaaring lulutasin ang problema sa pamamagitan ng kooperasyon lamang. Para rito, dapat itigil ng mga kanluraning bansa ang paninisi ng Tsina sa usapin ng pandemiya.
Salin:Sarah