Binuksan Disyembre 14, 2020, sa Beijing, ang International Forum on Sharing Poverty Reduction Experience, na nikaluhan ng mahigit 200 kinatawan mula sa mga 60 bansa at rehiyon at mga 20 organisasyong pandaigdig, sa pamamagitan ng video link.
Sunud-sunod na ipinahayag ng mga personaheng dayuhan na natamo ng Tsina ang kahanga-hangang bunga sa pagpapasulong ng pagbabawas ng kahirapan, na lubos na nagpakita ng bentahe ng sistemang panlipunan ng Tsina, at nagbigay ng malaking ambag para sa usapin ng pagbabawas ng kahirapan ng buong mundo.
Ipinagkaloob anila ng International Forum on Sharing Poverty Reduction Experience ang pagkakataon para sa iba’t ibang bansa na ibahagi ang mga karanasan at kaalaman, at ang mayamang karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan ay napakahalaga sa pag-aaral ng maraming bansa.
Umaasa silang patuloy na palalakasin ng Tsina ang pakikipagpalitan sa iba’t ibang bansa para magkakasamang lipulin ang kahirapan at pasulungin ang pagkakatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah