Isasakatuparan ng Tsina ang pamamahagi ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga di-maunlad at umuunlad na bansa sa pamamagitan ng tulong at iba pang paraan.
Ipinahayag ito Disyembre 15, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, buong lakas na pinapasulong ng mga kompanyang Tsino ang pananaliksik ng bakuna. Sa susunod na yugto, patuloy na magsisikap ang pamahalaang Tsino, kasama ng komunidad ng daigdig, para magbigay ng ambag para sa pantay-pantay na pagkakaroon ng lahat ng bansa ng ligtas at mabisang bakuna.
Salin:Sarah