Ipinahayag Disyembre 16, 2020, ni Simon Bimingham, Minsitro ng Kalakalan ng Australia, na maghaharap ng habla ang kanyang bansa sa World Trade Orgnization (WTO) kaugnay ng pagdaragdag ng taripa ng Tsina sa ina-angkat na barley ng Australia.
Ipinahayag din niyang may posibilidad na iharap pa ang mas maraming habla hinggil sa iba pang isyung tulad ng alak.
Hinggil dito, ipinahayag Disyembre 16, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming beses nang ipinaliwanag ng Tsina ang paninindigan nito hinggil sa kalakalan ng Tsina at Australia.
Dapat mataimtim na unawain ng pamahalaan ng Australia ang konsepto ng Tsina, at isagawa ang mga aktuwal na aksyon para itama ang diskriminasyong nakatuon sa mga kompanyang Tsino, saad ni Zhao.
Salin:Sarah