Tsina, patuloy na gumaganap ng positibong papel para sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2020-12-18 15:13:39  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag kamakailan ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa kabila ng epekto ng pandemiya ng COVID-19, unti-unting nagiging normal ang kabuhayan ng Tsina.

 

Sa mga nangungunang ekonomiya sa daigdig, ang kabuhayang Tsino ay may pag-asang maging tanging ekonomiya na kayang isakatuparan ang positibong paglaki sa taong ito.

 

Sa susunod na taon, posibleng bumalik ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa lebel bago ang pandemiya.

 

Kapwa lumaki ang pagpoprodyus at pangangailangan ng Tsina, na gumaganap ng positibong papel para mapangalagaan ang katatagan ng supply chain ng daigdig, at pasulungin ang pag-ahon ng kabuhayan ng buong mundo, saad ni Gao.

 

Nauna rito, tinaya ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) na babalik sa lebel bago ang pandemiya ang GDP ng daigdig bago ang katapusan ng 2021. At nasa mahigit sangkatlo ang magiging ambag ng Tsina sa paglaki ng kabuhayan ng buong mundo sa 2021.

 

Salin:Sarah

Please select the login method