Thailand, umaasang mapapalakas ang kooperasyong Thai-Sino sa pagpawi sa karalitaan

2020-12-20 14:30:36  CMG
Share with:

Idinaos kamakailan sa Bangkok, Thailand ang “Talakayan ng Pandaigdigang Kooperasyon sa Pagpawi sa Karalitaan at Pag-unlad ng Kabuhayan ng Thailand at Tsina.”

 

Ipinalahayag ng mga kalahok na Thai, na naisakatuparan ng Tsina ang pangako nito sa pag-ahon ng mga mahirap na populasyon sa nakatakdang panahon at natamo ang kapansin-pansing bunga sa larangang ito.

 

 

Sa kanyang keynote speech sinabi ni Sansern Samalapa, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Thailand, na natupad na ng pamahalaang Tsino ang pangako nito hinggil sa komprehensibong pagpawi ng karalitaan sa taong 2020.

 

Aniya, mayroong maraming matagumpay na karanasan ang Tsina sa aspekto ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, at dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangang ito.

 

Sa kanya namang talumpati, isinalaysay ni Yang Xin, Charge d'affaires ng Embahadang Tsino sa Thailand, ang mga natamong tagumpay ng Tsina sa aspekto ng pagpawi sa karalitaan.

 

Ani Yang, kasabay ng puspusang paglutas sa problema ng karalitaan sa loob ng bansa, aktibong isinasagawa ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa pagpuksa sa karalitaan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng South-South Cooperation, magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road,” at iba pang mga aktibidad - bagay na nakakapagbigay ng katalinuhan at lakas sa pandaigdigang usapin ng pagpawi sa karalitaan.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Thai sa larangang ito para makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

 

Ang nasabing talakayan ay magkasamang itinaguyod ng Asosasyon ng mga Mamamahayag ng Thailand at Tsina, at Asosasyong Pangkultura at Pangkabuhayan ng dalawang bansa.

 

Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng dalawang bansa.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method