Bakuna na laban sa COVID-19, sinusuri ng EMA

2020-12-21 18:00:32  CMG
Share with:

 

 

Sinimulang suriin ngayong araw, Disyembre 21, 2020 ng European Medicines Agency (EMA) ang  bakuna kontra Corona Virus Diseases 2019 (COVID-19) na magkasamang ginawa ng Pfizer ng Amerika at BioNTech ng Alemanya, para alamin kung maaari itong ilabas sa pamilihan.

 

Kung makakapasa ito sa pagsusuri ngayong araw, muli itong susuriin ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU) sa Disyembre 23.

 

Kung hindi naman ito makakapasa, muli itong susuriin ng EMA sa Disyembre 29.

Bakuna na laban sa COVID-19, sinusuri ng EMA

Kaugnay nito, sinabi ni Emer Cooke, Executive Director ng EMA, na isinasabalikat ng kanyang ahensiya ang malaking responsibilidad sa usaping ito.

 

Salin:Sarah

Please select the login method