Arawang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, lumampas sa 400 libo

2020-12-21 15:31:47  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Sabado, Disyembre 19, 2020 ng Sentro ng Pagkontrol at Pagpigil sa Epidemiya ng Amerika, noong Disyembre 18, lumampas sa 400 libo ang naiulat na arawang bilang ng kumrpimadong kaso ng COVID-19 sa buong Amerika.

 

Ito ang naging bagong rekord sa karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso sa isang araw sa buong mundo.

 

Bukod dito, naragdagan din ng 2,756 ang bilang ng mga namatay sa nasabing bansa.

 

Ayon sa pagtaya ng Instituto ng Pananaliksik at Pagtasa ng Kalusugan ng Unibersidad ng Washington, hanggang Abril 1 ng susunod na taon, posibleng umabot sa 562 libo ang kabuuang bilang kasuwalti dahil sa COVID-19.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method