Hanggang ngayon, walang partner country ng Belt and Road Initiative (BRI) ang sumasang-ayon at magpapatunay sa umano’y “debt trap.”
Ipinahayag ito Disyembre 21, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas.
Ang BRI ay inisyatiba ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, na naglalayong isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad ng iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagpapasulong ng konektibidad. Mainit na sinusuportahan ng komunidad ng daigdig ang BRI nitong 7 taong nakalipas sapul nang iniharap ito, saad ni Wang.
Kinansela na ng pamahalaang Tsino ang mga utang ng ilang bansang Aprikano na dapat bayaran bago ang katapusan ng 2020. Ang Tsina ay bansa na nagbigay ng pinakamalaking ambag para sa G20 Debt Service Suspension Initiative. Ang esensya ng isyu ng utang ay isyu ng underdevelopment. Nananalig ang Tsina na ang BRI ay makabuti sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura at industrialisasyon ng ilang kinauukulang bansa sa upang lutasin ang isyu ng utang mula sa pinaka-ugat, saad ni Wang.
Salin:Sarah