10 Sierra Leonean crew na nakakaranas ng panganib sa South China Sea, nailigtas ng Tsina

2020-12-24 16:59:17  CMG
Share with:

 

 

Matagumpay na iniligtas ng Tsina ang 10 crew sa isang bapor pangkargang nakarehistro sa Sierra Leone, na nagkaroon ng panganib habang naglalayag sa South China Sea.

 

Ipinahayag ito Disyembre 23,2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Sinabi rin niyang, ang pangyayaring ito ay pagsubok sa kakayahan ng Tsina para pangalagaan ang kaligtasan sa paglalayag sa South China Sea. Ipinakikita rin aniya nito ang responsibilidad ng Tsina sa rescue work sa South China Sea.

 

Patuloy na ipagkakaloob ng Tsina, batay sa makataong diwa, ang kinakailangang tulong sa mga crew at bapor na makaranas ng panganib sa South China Sea, diin ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Please select the login method