Ipinatalastas Disyembre 23, 2020, ni Zweli Mkhize, Ministro ng Kalusugan ng South Africa, na muling susuriin ng South Africa ang hakbangin ng paglaban sa pandemiya para harapin ang pagkalat ng variant ng SARS-Cov-2.
Napakabilis na kumakalat ngayon ang variant virus, na mas mabilis kumpara sa corona virus. Kaya kukumpirmahin muli ng South Africa ang high-risk region at babaguhin ang kinauukulang patakaran, saad ni Mkhize.
Ipinahayag ng Britanya na di-pareho ang variant ng virus sa South Africa at variant sa Britanya.
Pansamantalang sinuspendi mula noong Disyembre 23, 2020 ng UK ang flight sa South Africa. Hanggang ngayon, suspendido ang mga flight ng France, Germany, Saudi Arabia, Sudan, Switzerland, El Salvador, Turkey, Israel, Netherlands at Mauritius at iba pang bansa, patungo sa Timog Aprika.
Salin:Sarah