Mabisa at maligtas ang bakuna ng Tsina sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ito Disyembre 23, 2020 (local time), sa preskon ng lokal na pamahalaan ng Estado de São Paulo ng Brazil, at Butantan Institute, awtorisadong organong medikal ng Brazil.
Sa preskon, ipinatalastas ang pagtatapos na ng Brazil ng Phase III human trials ng bakuna ng CoronaVac na iniprodyus ng Sinovac Research &Development Co.Ltd ng Tsina.
Ang Brazil ay unang bansa sa daigdig na tinapos ang phase III human trials ng CoronaVac. Sa kasalukuyan, isinagawan din ang phase III test ng CoronaVac sa Indonesiya, Turkey, at Chile.
Salin:Sarah