Bagong remote sensing satellite, inilunsad ng Tsina

2020-12-28 12:36:36  CMG
Share with:

Sakay ng Long March-4C rocket, matagumpay na inilunsad nitong Linggo, Disyembre 27, 2020 sa Jiuquan Satellite Launch Center ang Yaogan-33 satellite patungo sa nakatakdang orbit.

 

Bukod dito, isang micro at nano technology experiment satellite ang inilunsad din kasabay ng nasabing misyon.

 

Ang naturang dalawang satellite ay gagamitin pangunahin na, sa mga larangang gaya ng siyentipikong pagsubok, pagsusuri sa yamang panlupa ng bansa, pagtaya sa ani ng mga produktong agrikultural, at pagpigil at pagbabawas ng kalamidad.

 

Ang misyong ito ay ang ika-357 nang paglipad ng Long March carrier rocket series.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method