Dalubhasa ng Kenya: ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan ay napakahalaga para sa daigdig

2020-12-28 16:35:34  CMG
Share with:

 

 

Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), tinukoy ni Peter Kagwanja, Puno ng Africa Policy Institute ng Kenya, na ang ideya ng magkakasamang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan na iniharap ng Tsina ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng Aprika at Tsina, kundi mayroong din itong malalim at pangmalayuang katuturan para sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Para kay Kagwanja ang matatag na paggigiit ng multilateralismo ay komong paninindigan ng Tsina at Aprika, at sa kalagayan ng pagkalat ng unilateralismo at proteksyonismo sa buong daigdig, napakahalaga ng papel ng Tsina at Aprika upang  magkasamang pangalagaan ang multilateralismo para sa pag-unlad ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method