10 pinakamahalagang balitang arkeolohikal ng Tsina sa 2020, ipinalabas ng CMG

2020-12-30 14:25:25  CMG
Share with:

Ipinalabas kamakailan ng China Media Group (CMG) ang 10 pinakamahalagang balitang arkeolohikal sa loob ng Tsina sa taong 2020.

 

Kabilang sa nasabing 10 balita ay:

 

Una, sa ika-23 kolektibong pag-aaral ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat paunlarin ang arkeolohiyang may katangian, istilo, at imaheng Tsino.

 

Ikalawa, 6 na bagong sacrificial pit ang natuklasan sa Sanxingdui Heritage, at pormal na sinimulan ang gawain ng paghuhukay.

 

Ikatlo, lumabas ang mahalagang bungang arkeolohikal tungkol sa “Heluo ancient country” sa lunsod Gongyi, probinsyang Henan. Dahil dito, posibleng maikakalendaryo ang pangunahing pinagmulan ng mahigit 5 libong taong sibilisasyong Tsino.

 

Ikaapat, lumabas mula sa ilalim ng lupa ang maraming mahahalagangna dokumento at inskripsyon sa mga tabletang kahoy sa proyektong arkeolohikal sa Fengsui Site of Heritage sa Xinjiang, bagay na nagdagdag ng mga dokumentong historikal tungkol sa sistemang pandepensa sa bayang militar noong dinastiyang Tang.

 

Ikalima, inilista ng Archaeological Institute of America (AIA) ang Simao Heritage Site sa probinsyang Shaanxi ng Tsina sa 10 pinakamalaking archaeological discoveries mula taong 2011 hanggang 2020.

 

Ika-anim, natuklasan sa lunsod Yuyao ng probinsyang Zhejiang ang pinakamalaki at pinakakompletong prehistoric paddy field heritage site na may tandang mga 6,000 taon.

 

Ikapito, sa kauna-unahang pagkakataon, ang authentic work ni Ran Zhenqing, bantog na manunulat noong Tang dynasty, ay nahukay mula sa ilalim ng lupa.

 

Ikawalo, gamit ang DNA technology, pinag-aralan ng grupo ng mga eksperto ng Chinese Academy of Sciences ang ebolusyon at pinagmulan ng lahi ng mga tao noong prehistorikal na panahon, at natamo ang napakalaking bunga.

 

Ikasiyam, sinimulan ang ika-4 na gawain ng paghuhuay sa heritage site sa nayong Yangshao sa probinsyang Henan.

 

Ginamit ng mga archeologist ang bagong teknolohiya para hanapin ang bagong ebidensya sa progreso ng kultura ng Yellow River at sibilisasyon ng Central Plains ng Tsina.

 

Ikasampu, natuklasan sa bayang Yuanqu, probinsyang Shanxi, ang high-specification graves noong dinastiyang Zhou na may napakalaking archaeological values.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method