Funding Bill ng Amerika sa Fiscal Year 2021, mahigpit na kinondena ng Komite sa mga Suliraning Panlabas ng NPC

2020-12-30 18:26:39  CMG
Share with:

Sa pahayag na ipinalabas ngayong araw, Disyembre 30, 2020, tinukoy ng Komite sa mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na ilang tadhana ng Funding Bill ng Amerika sa Fiscal Year 2021 ay grabeng nakakapinsala sa kapakanan ng Tsina at nakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ipinahayag ng naturang komite ang mahigpit na pagkondena at pagtutol sa naturang bill.

 

Dagdag ng pahayag, sa ilalim ng tulong at suporta ng sentral na pamahalaan at mga mamamayang Tsino, pagkaraan ng pagkakaisa at pagsisikap ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng Tibet, natamo ang napakalaking bunga sa usapin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyon.

 

Ang isyu sa pagitan ng Tsina at Dalai Group ay napakalahagang isyu na may kaugnayan sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa, diin ng pahayag.

 

Anito pa, ang paninirang-puri ng ilang poliktikong Amerikano sa patakaran ng Tsina sa Tibet ay lubos na nagpapakita ng kanilang pakikipagsabwatan sa mga puwersang gustong sumira sa Tsina, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Tibet.

 

Ang pakikipagsabwatan ng Amerika ay hindi maaaring matagumpay, diin ng pahayag.

 

Matatag anito ang kapasiyahan ng Tsina hinggil sa pangangalaga sa soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa.

 

Mahigpit na hiniling ng pahayag ang agarang pagtigil ng Amerika sa pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina at huwag maglagay ng anumang negatibong nilalaman at tadhana tungkol sa Tsina kaugnay ng naturang bill.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method