Ayon sa sa website ng tanggapan ng Pangulo ng Ukraine, nilagdaan na ng Ministri ng Kalusugan ng Ukraine at Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina ang kontrata ng pagbili ng bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa kontrata, ipagkakaloob ng Tsina sa Ukraine ang 1.91 milyong bakuna na iniprodyuse ng Sinovac.
Dagdag pa ng ulat, sinabi ni Volodymyr Zelensky, Pangulo ng Ukraine, na ininiksyon na ang bakuna ng Sinovac sa Indonesya, Brazil at Turkey at mabisa ito, kaya, iginagarantiya ng pamahalaan ng Ukraine ang kalidad at kaligtasan ng mga bakuna.
Salin:Sarah